![]() |
| Image via Pexels. |
Ang lungkot ng buhay ngayon, ano? Lahat maiisip mo. Nakakabingi. Hindi ang ingay sa labas. Hindi ang mga taong nagbabangayan sa tabing-bahay. Hindi ang mga sasakyan. Kundi ang isip mo.
'Yung bigla mong maaalala 'yung kababata mo na ilang taon mo nang hindi nakikita. 'Yung bigla mong hahanapin ang sapatos mong puti noong highschool ka. 'Yung bigla kang mapapa-isip kung ano pa ba ang gusto mong gawin sa buhay o kung may pangarap ka pa ba. Kasi masarap ang walang ginagawa. Masyado ka nang nasanay na walang ginagawa kaya nangangamba ka na baka paglabas mo, hindi na kasing tindi ng dati ang passion, ang drive mo para abutin ang mga pangarap mo. Masyado mong naramdaman ang sarap sa pagtigil ng mundo.
Mga tao sa social media, wala nang ginawa kung hindi ang magbangayan. Konting issue, pinalalaki. Nakakarindi na. Kaya mas okay na masabihan na wala ka na lang pake. Kasi kung iisipin mo ang lahat ng pinuputok ng butse nila, lalo ka lang mas-stress. Sino ngayon ang talo? Ikaw. Ikaw na pati ang problema ng iba ay iniintindi mo pa. Hindi mo na nga masagip ang sarili mo, gusto mo pang magpaka-super hero at sagipin sila. Kung tutulungan mo sila habang basag ka, baka makasakit ka lang.

Ngunit nakakalungkot, ano? Na kahit sabihin mong wala kang pakialam, nakakalungkot pa rin na Pilipino laban sa Pilipino pa ang nagbabangayan. Na sa halip na pangaralan ang mga "bobo" o "tanga" na sinasabihan nila sa social media ay hinihila pa nila ang mga ito pababa. Kung sumobra naman sa pangangatwiran ay nandiyan ang "smart shaming." Sa totoo lang, wala nang paglagyan. Kaya mas masarap ang tumahimik. Gaya ko. Ilang linggo na akong hindi pinatutulog ng mga nalaman ko sa pulitika. Ang gulo-gulo na. Kahit ang mga bata ay dinadamay na. Nakakalungkot. Sobra.
Ilan lamang 'yan sa mga naiisip mo ngayon. Bukas, iba na naman. Sa isang araw, iiyak ka na naman. Kasi pakiramdam mo, mag-isa ka. Well, mag-isa ka naman talaga. Kaso mas nafi-feel mo ito ngayon. Ngayon na hindi mo maramdaman ang paggalaw ng mundo. 'Yung lungkot na nararamdaman mo, nagiging sobrang lungkot sa bawat araw na lumilipas.
Pero sabi nga nila, may dahilan ang lahat ng bagay. . . huminga ka lang. Okay lang na walang gawin o walang matapos sa ngayon. Hindi mo kailangang magpapayat. Hindi mo kailangang makatapos ng sampung libro. Hindi mo kailangang magsimula ng vlog kasi nagsisimula na silang lahat.
Magpahinga ka. Hilumin mo ang sarili mo gaya ng paghilom ng kalikasan. Walang masama kung manahimik ka. Walang masama kung maghapon kang tulog o kung maghapon kang kumakain. Ang mahalaga, buhay ka.
Kaya mo 'yan. Ituloy mo lang, ah?
Sanamawari

Comments
Post a Comment