ANG TANONG, BABALIK KAYA?



Image via Pexels.


April 10, 2021 10:17 PM


Hinihintay kong kumulo ang ininit kong ulam: upo na may misua. Alas diez na ng gabi pero hindi pa ako naghahapunan. Kung may matatawag na "nalipasan ng gutom," paniguradong ito 'yon. Medyo masama ang loob ko sa lola ko kasi ang akala ko hindi niya lalagyan ng giniling 'yung ulam. Tinanong niya pa ako kaninang hapon kung ilalagay niya ba o hindi. Ang naaalala ko ay umiling naman ako at sinabi kong "hindi" pero pagtingin ko sa kaldero ay may nagsu-swimming na patay na baboy.

Pinatay ko na 'yung kalan. Pagbukas ko ng takip, parang nakaamoy ako ng munggo. Weird. Nagsimula na akong kumain habang 'yung aso ko ay nakaabang sa gilid ng upuan. Napaso pa ako ng slight. Medyo hindi maganda sa pakiramdam.

'Yung aso ko, si Shea, tatango-tango siya sa akin na animo'y may musika sa loob ng tenga niya. She is a distemper survivor. Sabi ng doctor, permanent na 'yung pagtango-tango niya. Sabi rin ng doctor na hindi na rin magtatagal ang buhay niya. But I know she's a fighter. Hindi ko iniisip na aalis siya agad para iwan ako. She looks healthy and happy. Malaki nga ang pisngi ng pwet niya kaya lagi kong pinanggigigilan.

As I am writing this, hindi ako makapag-concentrate, kaya pansamantala ko munang nilapag ang cellphone ko, nag-settle sa upuan, saka kinuha ulit ang phone para magbukas ng Netflix. Addicted ako ngayon sa mga movies na gawa ng Studio Ghibli. Recommended siya actually ng kaibigan ko pero ngayon ko lang siya na-tripang simulan. Bukod sa wala akong time dati ay wala rin akong ganang manood. Nakakatamad talaga mabuhay!

Kapag free time ko o after shift, nakaugalian ko nang isingit ang pagne-Netflix. For me, it's a way of distressing and of picking up ideas from different stories. Nagiging fuel ko siya for me to be imaginative and for me to have inspirations. Kaya sa mga aspiring writers diyanhindi ko naman sinasabing applicable ito sa lahatpero pwede niyo siyang subukan. Manood kayo ng maraming movies na swak sa genre niyo. Lalo na kung ikaw 'yung writer na kulang sa push. Nakakatamad din kasi minsan mag-isip. But I'm not saying copy-paste the concepts that you watch. What I do is I pick up the "what ifs" of the movies then I turn them into my versions of "this happens." Medyo mahirap siyang i-explain. Pero para i-summarize, huwag niyong gagayahin mismo 'yung mga plot ng stories na napapanood, nababasa, naririnig, o nakikita niyo. Make something unique out of the existing circumstances. Walang creator na gugustuhing ma-plagiarize ang gawa niya. Put yourself into their shoes. Lagi mong iisipin na may milyong instances na pwede mong ilagay sa papel. Kaya tayo ipinanganak sa iba't ibang lugar at nanggaling sa iba't ibang magulang dahil may iba't iba tayong pangyayaring nasaksihan o naranasan.

Ano ba 'yan. Kumakain lang ako kanina, tapos ngayon nagpe-preach na ako sa mga aspiring writers.  Eh, aspiring din naman ako. Nagkataon lang na mas nauna akong namulat sa mundo ng plagiarism sa Wattpad. Well, ganito talaga ka-flexible ang isip ko. Kabog ang rubber band. I can jump from Point A to Point B without even blinking.


Wait, d'yan ka lang. Hugas lang ako ng pinggan. Balikan kita, okay?


Okay.


Sanamawari


Comments