December 4, 2022 1:35 A.M.
Isang buwan na mahigit magmula nang mamatay si Shea, ang
pinakamamahal kong aso. Sobra ko siyang miss.
Tuwing umaga, hinahanap ko pa rin ang amoy niya sa tabi ko. Tuwing
nagta-trabaho ako, nililingon ko pa rin ang kama ko- nagbabakasakali
na nandoon siya at hinihintay akong matapos para makakuha ng halik at
yakap.
Para akong mababaliw. Bukod sa nalulungkot ako, araw-araw akong
kinakain ng guilt. The day she died, nagsuka siya ng dugo. Maraming
dugo, leading up to her death. The first few minutes, nasigawan ko pa
siya kasi nagkalat siya sa salas. So I immediately grabbed her and
faced her sa may pinto namin. Kung alam ko lang na 'yon na pala 'yung
last day niya, sana hindi ko na siya sinigawan. Sising-sisi ako. Kasi
dapat pina-feel ko na lang sa kaniya 'yung pagmamahal ko instead na
nakaramdam pa siya ng inis sa boses ko.
Also, I feel guilty that I didn't do my best as a furmom. Hindi ako
nag-extra effort na alamin 'yung totoong sakit niya. Yes, dinadala ko
siya sa vet. And 'yung episode niya ng pagsuka ng dugo was not the
first time. Pina-check ko na siya noon pa, pero walang naibigay na
definite diagnosis ang doctor. Ang sabi lang, obserbahan. Nagbigay
lang ng gamot for vomiting, for reducing tremors, and for gaining
energy, but not directly sa sakit niya- kung meron man- since clueless
rin 'yung medical professional.
Naiinis ako sa sarili ko kasi hinayaan ko na wala lang naging
diagnosis kay Shea. That I didn't move mountains to know more. Hindi
ko ibinigay 'yung best ko para ma-pinpoint bakit nangyayari 'yon sa
kaniya. Kumbaga nasa isip ko that time, nagawa ko naman 'yung part ko
na dalhin siya sa hospital. Natignan naman siya ng doctor kaya,
siguro, okay na 'yon. Hindi ko kailangang mag-panic kasi mukhang hindi
naman malala 'yung sitwasyon.
I feel guilty for not trying my hardest. Galit na galit ako sa sarili
ko. Kaya siguro hirap na hirap akong tanggapin ang pagkawala
niya.
Oo, alam kong hindi na siya magtatagal, as I've mentioned in my
previous blog na sinabi ng vet, but I did not expect na ganito kaaga
talaga. Matatanggap ko pa kung five years. Pero three years? No.
Sobrang dami ko pang plano para sa aming dalawa. Anak ko siya.
Extension siya ng buhay at pagkatao ko. Kaya ang sakit sakit ng
pangyayaring 'to sa akin.
Forty-six days na ang nakalipas pero hindi ko pa rin siya
mapakawalan. Lolo ko sa father side, namatay same month as her pero
mas masakit pa 'yung pagkawala niya. Even my lola sa father side,
namatay rin last month, but I grieve Shea's death more. For me,
nothing can top the pain of losing my child.
Sabi nila, mahihirapan daw makatawid 'yung alaga natin sa rainbow
bridge kung hindi pa natin sila nile-let go after their passing.
Nakakalungot lang kasi hindi ko pa kaya. Gusto ko mang ipilit, pero parang ang unfair naman noon para sa aming
dalawa. Kung isu-supress ko 'yung totoong feelings ko, over time,
magre-resurface 'yung pain at sasabog ako nang sobra sa mga panahong
akala ko ay okay na ako. Ending, mas hahaba 'yung time ng pag-let go
ko sa kaniya.
Gusto kong bigyan ng oras ang sarili ko na mag-adjust. Gusto kong
iiyak lahat ng luhang kaya kong iiyak. Gusto kong sisihin ang sarili
ko hanggang mapagod ako. Gusto kong maramdaman lahat ng sakit. Tipong
sa sobrang sakit, gugustuhin ko na siyang sundan.
I want to move on at my own pace while telling her that everything's
going to be okay. Na hindi niya ako kailangang intindihin. Na hindi
niya kailangang hintayin na maka-move on ako kung gusto na niya
talagang tumawid. Kasi I know, in time, babalikan ko na lang 'yung
alaala namin nang nakangiti. Na lahat ng guilt, wala na. Na maaalala
ko siya isang araw tapos ngingiti na lang ako kasi ang ganda-ganda
niya pa rin sa memorya ko kahit crooked 'yung front teeth niya.
Ayon, time. I just need time.
Walang anomang salita ang makaka-justify kung gaano ko siya
ka-miss... at kung gaano ko siya kamahal. Binago niya ang buhay ko.
I'm very thankful for her existence, kahit maikli lang. Sa kaniya ko
natutunan kung paano magmahal ng totoo. 'Yung walang hinihinging
kapalit. 'Yung tititigan ko pa lang siya, kuntento na ako. 'Yung
tatabi pa lang siya sa akin, masaya na ako. That type of love cannot
be replaced. That type of love will stay with me until the day I
die.
I believe that she's my soulmate. Naniniwala rin akong hindi sa buhay
na ito ang huli naming pagkikita.
I just wanted to add that in this process of grieving, thankful ako
na nakilala ko ang SB19, especially Stell. Tinutulungan nila akong
pagaanin ang pakiramdam ko sa bawat araw. They are saving me in many
ways possible. Their music is my solace. Really.
I believe that Shea was the reason why I was introduced to them. My
baby's making sure I give a time of day grooving to WYAT- a short
break from all the crying and mourning.
Sana sa 2023, maiwan ko na 'yung mga mapapait na karanasan na
ibinigay sa akin ng 2022. Silver lining lang this year ay naging A'tin
ako. Pero kahit bigyan pa ako ng sampung bilyon, ayoko nang balikan
'tong taon na 'to. Bigyan niyo na lang kaya ako ng kutsilyo para tapos
na, 'di ba?
Sanamawari

Comments
Post a Comment