![]() |
| Image via Pexels |
August 13, 2024 9:23 P.M.
It's been a while since I last visited this site. Nakakamiss din namang basahing muli ang mga sinulat kong ako lang din ang nagbabasa. Oh, at least nadadagdagan ang website views. Sariling sikap, kumbaga.
Tina-type ko ito ngayon sa phone ko kasi ang tagal mag-restart ng laptop ko. I think nag-o-overheat na rin siya. Mas mainit pa siya kaysa sa ulo ko noong may nakialam ng gamit ko nang 'di nagpapaalam. Medyo kabado pa dahil baka masira. Wala akong pambili ng bago dahil nasa future pa ang pera ko.
Tama. Huwag mong sasabihing, "wala akong pera." Ang sabihin mo, "nasa future pa ang pera ko." Hindi mo man hawak ngayon, darating 'yan. Manifesting. Malay mo bukas milyonaryo ka na. Hindi ko lang sure paano mangyayari 'yon kung wala ka namang ginagawa sa buhay mo, pero malay mo? Swertehin ka at makapulot ka ng isang milyong tag-piso sa daan paglabas mo ng bahay.
Ah, hindi ka rin lumalabas? Malay mo, nasa ilalim ng kama mo. Tinabi ng kamag-anak mo kasi nanalo siya sa lotto. Basta. Kahit ano pang rason niyan, isipin mo na may darating kinabukasan. Having this mindset, you always have something na ilu-look forward everyday. Hindi kita tinuturuang maging tamad, okay? Ang sinasabi ko lang, money will come to you if you manifest it positively along with actions.
Speaking of actions, tinatamad akong gumalaw. Ilang buwan na akong may sakit kaya nagmamakaawa pa ang katawan ko na pagalingin ko siya. I mean, hindi naman araw-araw may iniinda ako. Siguro, linggu-linggo. Pabalik-balik. Bukod sa sahod, sakit na lang yata ang hinihintay ko kada ikalawang linggo ng buwan. Hanep. Hindi ko na talaga alam sa katawan ko, parang gusto na niyang sumama kay Jesu—
Sandale. Inubo ako. Inom lang akong tubig.
Back!
So ayon, feeling ko sakit season din talaga. Kasi noong last check-up ko, parang ang laki ng nagawa kong kasalanan sa doktor na tumingin sa akin. Nasa left corner siya ng room, tapos ako nasa right corner. Dulo sa dulo. Kulang na lang sa labas ng clinic niya ako paupuin. Alam ko naman na nag-iingat lang siya, pero bigla akong napakanta sa isip ko ng "Where Are You Now" habang iniisip 'yung usual internist na tumitingin sa akin.
Ang dami ko ring kasama sa pila na may lagnat, inuubo, saka sinisipon. Ni hindi ako hinawakan ng doktor para i-stethoscope man lang. Sinabi ko lang symptoms na nararamdaman ko tapos may diagnosis na siya after a few seconds. Hindi ko sure kung sobrang common lang ng sakit ko kaya alam na niya agad or god-like na 'yung chakra niya as a medical professional. Either way, I felt better naman after following his instructions, especially sa pag-inom ng gamot. I applaud him for that. He ate that. Slayed.
Kaya ikaw, ingat ka, okay? Huwag kang gagaya sa akin. Feeling ko kasi si Superman ako sa tuwing matutulog ako ng 4 AM tapos gigising ng 8 AM para mag-work. Ending, magtataka si self kung bakit may sakit si self.
Inom ka water. Huwag ka nang magreklamo kung ihi ka nang ihi. Hindi nakaka-premium kapag nahilo ka sa dehydration. Exercise ka. Galaw-galaw ng konti during break time. Hindi naman aalis ang task mo, manganganak lang 'yan after one hour. Kain ka ng ayos. Hindi lunch ang isang bag ng Piattos, okay? Saka tulog ka nang maaga. Tama na ang kaka-cellphone mo. May bukas pa para makasagap ng chismis tungkol kay Angelica.
Aray, teka. Natamaan ako sa lahat ng sinabi ko.
Ito na nga, magku-cool down na para maagang makapagpahinga. Hindi sa langit, ha! Iba 'yon. Walang papanaw for today's video.
Sanamawari

Comments
Post a Comment